"Siya raw yung bagong teacher sa BSBA na maganda at second day palang ng klase, andami nang mga nagpadala ng mga bulaklak at chocolates! Ang ganda nga niya!" dinig ko pang bulungan ng mga babaeng nakasunod pa. "Naman! Crush nga rin daw 'yan ni Kevin eh!" sagot pa ng isa. Okay, who's Kevin? Maybe, a classmate or a friend of them. I don't know. "At crush pa ni Sir Aidan! Look at them now, mukhang pinupormahan na siya." sabat pa ng isa at sabay-sabay ang tatlong mga babaeng estudyante na nagsihagikhikan. "Uy, uy, uy! Miss Altamirano, naririnig ko mga bulong-bulungan niyo diyan!" natatawa namang saway ni Sir Aidan sa mga ito. "Hehe, wala naman, Sir! Sabi lang namin, bagay kayo ni Maam." sagot nung isa saka nginitian ako. I smiled back. Kumaway pa ang dalawa nitong kasama sa akin kaya kum