NAGPAALAM na kami kay Stanley at habang naglalakad kami ni Diego palayo, hindi ko naiwasang bahagyang lumingon sa kanya at kita kong bagsak ang kanyang mga balikat habang pinanunuod kami ng kasama ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso habang nakikitang parang nalulunod si Stanley sa lungkot. Nakasakay na kami ng elevator pababa sa floor kung saan naroon ang magkatabi naming opisina ni Diego. Papasok na ako sa loob ng opisina ko nang magsalita siya. “Hey. Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. May nahahalata kaya siya? “Ba’t parang tingin ko naging malungkot at matamlay kang bigla sa hindi ko malamang kadahilanan?” nag-aalala ngunit marahang nakangiting tanong nito. “I’m fine. Feeling mo lang ‘yan,” nakangiti ko ring tugon. “Sigurado ka, ah?” Tumango-tango ako. Dumir