“Sagutin mo na kasi ako, Ma’am Jasmine!” Makulit na pagsunod-sunod niya sa akin isang gabing nasa may park ako at magfi-fiesta season kasi no’n kaya hayun naisipan kong mamasyal mag-isa. Eh, hindi ko naman inaasahang naroon din pala siya at hayun na nga, sinundan-sundan na nga ako! “Walang sasagutin dahil wala naman akong manliligaw!” nakatawa kong sagot, na tine-take na lang talaga as high school joke itong pinaggagagawa niya! “Eh, ano pala ako? Hangin? Ang tagal ko nang nanliligaw sa ‘yo, oh! Huwag mo na ‘kong pahirapan pa, Ma’am!” Tumino na ako at sumeryoso habang hindi nag-aalis ng mga mata sa kanyang mga mata. “Stanley, teacher mo ako. Estudyante kita*” “Here we go again with that excuse!” parang batang maktol nito at putol niya sa akin. Nanatili akong seryoso at nanindigan sa ku