So, I thought he’s never interested with these girls? But look at him now, mingling and bonding and flirting with them to his best! Kunsabagay, ‘yon din naman kasi ang sinabi ko sa kanya. Ang hayaan niyang pumasok sa buhay niya ang mga taong gusto at nagbabaka sakaling magkaroon man lang ng puwang sa puso niya. Ngayon ko hindi maintindihan ang sarili ko kung bakit ginagawa na niya ang sinasabi ko sa kanya noon pa, pero imbes na maging masaya, parang napagtanto kong bigla na mali. Maling-mali. Maling-mali kasi nakikita ko kung paano niyang pinagsasabay ang dalawang babae, so, sinong matutuwa nu’n? Kapag nasa klase, nakay Clara ang atensyon niya, pero kapag sa labas ng classroom si Elizabeth ang pinopormahan niya. “What’s your problem now? Ito naman ang gusto mo, ‘di ba? Ang papasukin ko s