NAPANGITI ako. Oo, aaminin ko ngang noong una hinusgahan ko siya base lang sa mga feedback sa kanya ng mga co-teachers ko na naging teachers din niya on some of his subjects. Me: Oo na, at hindi ko naman ideni-deny ‘yon! Pero paano ba naman kasi ako hindi maniniwala sa negative feedbacks towards your behaviour from your other previous teachers? Eh, first day na first day at tandang-tanda ko noon, pinagtripan ninyo ng mga kaibigan mo ang isa sa mga estudyante ko sa isang klase at hagisan ba naman ng bola sa mukha habang on-going na klase ko! Sinong hindi maiinis at magagalit at madi-disappoint nu’n, ‘diba? Stanley Rhys: Kaya nga, Maam, at aminado naman akong mali talaga ako at ang mga kaibigan ko doon. Sorry na. I was just being playful back then na hindi iniintindi yung iba basta nag-e-e