“MAAM Jasmine?” Natigilan ako sa taong nakasalubong ko. Isang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito. “Jude, ikaw pala! Nandito ka rin?” Ngumiti siya’t tumango habang nakakamot sa kanyang batok na parang bata. “Oo, Maam. ‘Di naman tayo magkakasalubong kung wala ako dito ngayon,” pilyo pang pasimple niyang pamimilosopo. Marahang tinawanan ko na nga lang. “Oo nga naman. Tama ka.” “Ikaw lang ba mag-isa, Maam, o may kasama ka?” Ngumisi siya. “May ka-date?” Umiling ako. “Hindi, wala. Ako lang mag-isa. Nag-grocery kasi ako kaya heto, namasyal-masyal muna ako dito sa taas.” Sumulyap ulit ako doon sa loob ng boutique particularly doon sa may hair clip na napusuan ko na nasa stand na ulit nito ngayon. Sayang talaga pero ‘di bale na. Napansin nito ang panay lingon ko sa loob ng b