NGAYON ay nakaiwas na siya ng tingin sa akin at nagkukunwaring walang binanggit na kung ano sa naging pandinig ko, pero narinig ko ‘yon, eh! O baka naman nagha-hallucinate lang ako? “You like him?” he asked out of the blue. Sa muli ay lumipad ang aking mga mata sa kanya. Matangkad siya sa akin kaya bumaba ang tingin niya sa aking mga mata din. Kumunot ang noo ko sa tinanong niya. “Who?” He stared at me. “Jude. Do you like Jude?” “Si Jude? Oo naman. Lahat naman kayo sa klase ninyo gusto ko, eh. May mga times na makukulit at maiingay kayo pero believe me, lahat ng mga estudyante ko gusto ko naman.” For few seconds, he didn’t say anything, basta seryosong tinitigan lang niya ako. Siyempre ako naman, ganoon lang din sa kanya, nakatitig lang din. What’s wrong? May nasabi ba akong mali o