PAGKATAPOS ng birthday ni Hope ay bumalik na ako sa trabaho ko. Nandito ako ngayon sa Makati at nagtratrabaho bilang isang assistant marketing manager ng isang jewelry brand. Eight months na ako sa trabaho at sanay na ako sa mga gawain. Napakalayo ng Information Technology na kurso ko sa trabaho ko ngayon. Ngunit malaki ang tulong dahil sa computer din naman ako nakatutok buong maghapon. Nagpasa lamang ako ng resume sa company at mapalad na natanggap naman sa vacant position. Si Nathan Reyes ang boss ko na siyang may-ari ng kompanya. Bilang marketing assistant manager trabaho ko na bantayan ang sales promotions ng jewelry brand sa iba't ibang online platforms. Nag-iisip din ako ng magandang marketing strategy para mag-promote ng products na p'wedeng makatulong sa sales namin ngayong taon