ALAS otso na ng gabi nang matapos ako sa trabaho ni Angeline. Lahat ng papers ngayon na nasa folder na hawak ko ay dumaan na sa iba't ibang department at napirmahan na rin. Ipinatong ko na ang mga iyon sa ibabaw ng lamesa ni Sir Nathan. Wala na ito roon at sa tingin ko umuwi na ang masungit kong boss. May iilan na rin akong kasama na nandito pa sa building. Sina Gyneth at Rosie nauna na silang umuwi sa akin. Hindi na rin ako nagpahintay dahil alam ko naman na pagod din sila sa trabaho. Palabas na ako ng office ni Sir Nathan nang makasalubong ko si Manong Cesar, siyang security guard na naka-duty ngayon dito sa company. "Late ka na yatang uuwi, Miss Shanta," anito sa akin. May hawak itong flashlight at tila nagroronda sa paligid. "May tinapos lang ho akong trabaho, manong. Uuwi na rin h