"Good morning, manong," nakangiting pagbati ko kay Manong Cesar sa labas ng building. "Mas maganda ka pala sa umaga, Miss Martin. Magandang umaga rin," pambobola naman nito sa akin. Mukhang straight ang duty ni Manong Cesar ngayong umaga hanggang kagabi. "Bawal ang tsismisan dito sa labas," masungit na sabi ni Aira na dumiretso na sa loob ng lobby ng company. Napatingin ako kay Manong Cesar na nagkamot ng ulo. "Pasensiya na ho kayo sa boss ko mukhang bad mood," naiiling na sabi ko rito. Sinundan ko si Aira na patungo sa third floor kung saan naroon ang office namin. Sumakay ako sa elevator na kasama ko siya. "Saan ka ba pumunta kahapon, Miss Martin? Bigla ka na lang nawala sa office natin. Kung may iba ka sanang importanteng ginagawa sana naman nag---" May tumukhim sa likod namin ni