"Si Nathan?" natutuwang sabi ko dahil sa natanggap kong tawag mula sa Pilipinas. "How are you, Warren?" masayang tanong nito sa akin. Nakilala ko si Sir Nathan sa isang event dito sa Canada at mabait siya. Hindi ko nakakalimutan na binigyan niya ako ng malaking tip dahil iniligtas ko siya sa kapahamakan. Napag-trip-an kasi ito ng mga lasing at eksakto naman na dumaan kami roon ni Sixto, ang kasamahan ko noong driver sa trabaho. "I'm fine, sir. I'm doing good," natutuwa naman na sagot ko. "Kumusta ka riyan sa Pilipinas, sir? Nagkita na ba kayo ng asawa mo?" Narinig ko ang pagbuga ng malalim nito. "Gusto na niya akong hiwalayan, Warren. Anyway, huwag na siya ang pag-usapan natin dahil nalulungkot lang ako. Ikaw, kailan ka uuwi? Hindi mo pa ba gustong tanggapin ang offer ko? Magiging per