Matutulog na sana ako nang biglang nag-pop up ang notification ko sa Fecebook. Isang hindi ko kilalang account ang nag-like sa public picture ko. "Rain?" mahinang sambit ko habang nakatingin sa liker ko. May message request pa ito sa akin. "Sorry." Iyon ang lamang ng message nito na hindi ko na pinagkaabalahan na tanggapin. Isinira ko ang cellphone ko at saka tinabihan ang aking natutulog na anak. Nandito ako ngayon sa bahay ng Tita Cora dahil hindi pa natatapos ang ipinapagawang bahay ng Tita Cora ko para sa amin ni Hope. Gusto nito na bigyan ako ng regalo noong graduation ko ngunit tumanggi ako dahil malaki ang nagastos nito sa pangangak ko at pagpapa-bottle feeding kay Hope. Mabuti na lamang at hindi sakitin ang anak ko. Hinaplos ko ang mukha ni Hope at saka hinagkan ang noo nito