HINDI ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatingin ako kay Warren. Nagtama ang aming mga mata pagkatapos magdikit ng aming mga labi. Mabilis kong binawi ang aking mga tingin kay Warren. Kahit na pilit kong niloloko ang sarili ko na sabihin na nakalimutan ko na siya at hindi ko na siya mahal ay hindi ko pa rin maitago ang aking kasiyahan na makita muli ito. Ngunit paano naman ngayon ang anak ko? Kahit na malaman ni Warren na anak namin si Hope at hindi totoo na may asawa na ako ay hindi pa rin magbabago nag katotohanan na may girlfriend na si Warren. Ayokong madamay pa ang anak ko sa p'wedeng mangyari. At si Sir Nathan, hindi ko pa naipagtatapat sa kanya na hindi ko talaga siya kayang bigyan ng pagkakataon para mahalin ko. "Sa bahay ka pa ba ng Tita Cora mo nakatira?" pag-iiba