"Okay ka na ba, Shanta?" nag-aalala kong tanong habang nakatingin ako sa kanya. Dinala ko siya kaagad sa isang private clinic dahil sa pag-aalala ko nang himatayin siya knaina. Gusto ko lang naman siyang takutin kanina pero hindi ko intensyon na may mangyaring masama sa kanya dahil sa akin. Mahal na mahal ko pa rin si Shanta at mas lalo ko siyang minamahal. Gusto ko lamang na malaman ang totoo mula sa bibig nito kung anak ko nga ba talaga si Hope. "Uuwi na ako," akma itong babangon sa hinihigaan nitong hospital bed. "Iuuwi kita mamaya, Shanta. Gusto ko munang malaman kung ano ba ang relasyon ninyo ni Nathan." "Wala akong sasagutin sa mga tanong mo, Warren. Uuwi na ako!" naiinis na sabi nito sa akin. Hindi ko na siya pinigilan pa. "Ihahatid na kita kahit na ayaw mo. Saan ka ba nakatira