"Shanta, sure ka na ba talaga na aalis ka na sa trabaho? Magdadalawang taon na rin sana tayo rito, sayang naman," malungkot na sabi ni Gyneth sa akin. "Okay lang, 'yon. Magiging busy na rin naman ako sa pag-aasikaso sa negosyo ni Tita Cora na i-take over ko, Gyneth. Aalis na sila tita next month at gusto ko na bago sila umalis makapagsimula na kami ni Hope na magkasama na kaming dalawa lang. Alam ko naman na marami pang mahahanap ang HR na kapalit ko, e. At si Sir Nathan, alam ko na may bago na siyang nakita na ipapalit sa posisyon na iiwan ko." Inaayos ko na ang lahat ng mga gamit ko sa may working table ko. Inilalagay ko sa kahon ang mga gamit na iuuwi ko ngayon. At ang ibang gamit ko naman ay ipinamigay ko na sa mga kasama ko. Katulad ng mga coffee mugs at tumblers na hindi ko na iuuw