NAGISING ako ng alas kuwatro ng madaling araw dahil hindi na ako makatulog. Nagpasya akong magtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Ganitong oras kung magising ako noon para tulungan si Tita Carol sa pagluluto sa karinderya. Ngunit nagsara na pala ang karinderya nito dahil may isang bagong karinderya ngayon sa labasan. Kanina habang nasa mall kami ay nakita ko si Jino. Walong buwan na rin noong huli kaming nagkita ni Jino. Nagkausap kami ngunit sandali lang at sinabi niya sa akin na masama ang loob niya dahil iniwan ko siya. Kinuha niya ang number ko at ibinigay ko naman iyon sa kanya. Gusto kong makausap si Jino para makapagpalam nang tuluyan. At para na rin hindi na siya umasa na babalikan ko pa siya. Napansin ko na nakabukas ang pintuan kaya lumabas na rin ako para doon na magkape.