"GUSTO mo bang kumain at ipaghahanda kita?" malambing na tanong sa akin Cora. "Galing ako sa bahay at doon na rin ako nananghalian. Dumaan lang ako rito para sabihin sa iyo na nasira ang cellphone ko kagabi kaya hindi na kita natawagan. Babalik din kaagad ako sa hospital dahil may pupuntahan si Tita Lorna." "Samahan na kita. Wala naman na akong gagawin dito kaya p'wede kitang samahan sa hospital." "Huwag na... kailangan mong magpahinga. Sandali lang naman akong magbabantay sa hospital dahil may sasaglitin lang si Tita Lorna sa munisipyo." Pagsisinungaling ko kay Cora dahil ang totoo gusto kong pumunta sa mall kung saan naroon ngayon si Shanta. Gusto kong makasigurado na okay lang talaga siya at walang gagawing masama si Vlad sa kanya. "Bernard..." Mukhang hindi ko mapapapayag si Cora