Nakatayo ako ngayon dito sa may veranda habang iniisip ko si Shanta. Galit na galit ako sa kanya ngunit mas galit na galit ako sa aking sarili dahil hinayaan ko na lokohin siya ni Bernard. Ngunit mas nanaig ang pagmamahal ko sa aking asawa. Ayokong mawala siyang muli sa akin dahil mahal na mahal ko siya ngunit pinagtaksilan pa rin niya ako. Hindi ko pinakinggan ang paliwanag ng pamangkin ko. Naging matigas ang aking puso para magpatawad. Nalaman ko na naroon si Bernard sa dati naming bahay. May ilang kapitbahay na nagsasabi sa akin na hindi umaalis doon si Bernard at gusto raw niya akong makausap. Hindi ko na rin balak na umuwi sa dati namang bahay ni Bernard. Kailangan kong iparamdam sa kanya na sobra niya akong nasaktan dahil sa ginawa niya. Naiintindihan ko na hindi alam ni Shanta