"Bakit mo ba pinagtataguan si Warren?" naguguluhang tanong sa akin ni Vlad. Sa kanya ako humingi ng tulong noong gabing iyon. "Vlad, may gusto akong sabihin sa iyo. Ngunit hindi ko alam kung magagawa mo bang maunawaan lahat ng mga sasabihin ko." Umupo sa tabi mo si Vlad at pinahid ang luha sa aking mga mata. "Hinahanap ka rin sa akin nina Gyneth at Rosie. Katulad ng sinabi mo ay hindi ko ipinaalam na nandito sa resort namin. Ano ba talaga ang nangyari sa iyo noong nakita kita sa terminal ng bus?" "Vlad, ang totoo... nakipag... nakipagrelasyon ako sa... sa asawa ng Tita Cora ko," utal-utal na usal ko rito. Nanlaki ang mga mata ni Vlad sa sinabi ko. Hindi ito halos makapaniwala sa sinabi kong iyon sa kaya. "Hindi ito biro, a. Shanta, hindi ito magandang biro." "Nakita kami ni Tita Cor