"Cora, pakinggan mo sana ako," nagsusumamong sambit ko. "Ayokong makinig sa mga kasinungalingan mo, Bernard. Tapos ka na sa akin, 'di ba? Natulungan ko na ang kapatid mo kaya ganito ang igaganti mo sa akin! Ayokong makita pa kahit kailan ang pagmumukha mo! Sinira mo ang kinabukasan ng pamangkin ko at ang pamilya natin." "Cora, makinig ka muna sa akin. Hindi mo kasi alam ang totoo na--" Sarkastikong tumawa si Cora. "Bakit pa ako makikinig sa lahat ng mga kasinungalingang sinasabi mo sa akin? Akala mo ba mauuto mo pa ako at mapapaikot sa kasinungalingan mo? Sapat na sa akin ang nasaksihan ko sa inyong dalawa ni Shanta." Sarado ang isip ni Cora at hindi niya ako gustong pakinggan. Walang kasalanan si Shanta at hindi rin ako nagtaksil sa kanya. Umalis si Cora kasama ni Manong Teryong. Nag