Kabanata 19: Ang Pagkikita

1014 Words

"CORA, okay ka lang ba? Bigla ka na lang kasing napaupo diyan sa may silya? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ate Carol. Nagpapalipas ako ng oras dito sa may veranda ng bahay ni Ate Cora nang bigla na lamang akong nanlambot. "Bigla lang kasi akong kinabahan... hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko," nag-aalalang sagot ko rito. "Baka naman pagod lang iyan sa byahe at pag-aasikaso sa pinapatayo mong bakery. Magpahinga ka na naman sana, Cora at huwag mong aabusuhin ang katawan mo." "Baka nga siguro, ate. Ginabi na din kasi ako sa ka-meeting kong supplier ng mga baking equipments at machines. Si Shanta ba ate, tumawag ba siya? Nag-aalala ako sa kanya dahil mag-isa lamang siya sa bahay kung doon siya uuwi at---" "Si Aundrey tumawag siya kanina dahil nag-te

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD