"ANG blooming mo naman ngayon bestfriend," nakangiting sabi ni Rosie sa akin nang makita niya ako na papasok ng university namin. Kasama nito si Gyneth na may hawak na mga libro. "Ganyan talaga kapag in love," sabi naman ni Gyneth na inirapan pa ako. "Ikaw, Shanta, ha. Huwag mo nga akong idinadamay sa pagsisinungaling mo sa Tita Cora mo. Kung gusto mo si Rosie na lang ang idamay mo diyan dahil may boyfriend na iyan," pagrereklamo naman nito sa akin. "Aysus, nagsalita ang walang boyfriend," magkasabay na sambit namin ni Rosie. Tumawa ito ng malakas at hinawi ang buhok. "Wala pa nga kasi," mahinhin na sagot pa nito sa akin. "Teka nga pala, best. Kanino ka galing kagabi at nagsinungaling ka pa sa Tita Cora mo?" mahinang tanong sa akin ni Rosie. "Ang totoo niyan..." Kinagat ko ang ibabang