BIGLA na lamang akong nakaramdam ng malakas na pagkabog sa aking puso habang nakatingin sa larawan ni Bernard na hawak-hawak ko. Inilalagay ko na ang mga ito sa malaking kahon upang itago para tuluyan ko nang makalimutan si Bernard. Buo na ang desisyon ko na ituon na lamang sa ibang bagay ang atensyon ko. Katulad ng pagpapalago ng aking negosyo at pag-papaaral sa mga pamangkin ko. Ibinaba ko ang larawan ni Bernard na nakalagay sa picture frame. Huminga ako nang malalim at muling sinulyapan sa huling sandali ang larawan naming dalawa noong ikinasal kami. Hindi pa rin malinaw sa akin na ang taong minahal ko ng buong buhay ko ay ang taong mananakit nang husto sa akin. Hindi ko na muli pang hahanapin si Bernard. Hindi na rin ako umaasa na dumating ang isang araw ay balikan pa niya ako. Ngun