HINDI makatingin sa akin si Shanta habang nasa loob na kami ng sasakyan. Nang dumating si Gilbert ay inayos ko na ang mga gamit na inimpake nila dahil uuwi na daw ang mga ito. Nauna kong inihatid si Gilbert at pagkatapos naman ay inihatid ko si Shanta sa bakery ng Tita Cora nito. Tinapos ko na muna ang lahat ng trabaho ko bago ako umuwi sa apartment na tinutuluyan ko. Kumuha ako ng apartment na malapit lamang sa bakery nila Shanta. Iyon ang tanging naisip ko para mabantayan ko si Shanta at pati na rin makita ko si Cora. Hindi ko alam kung tama na ipinagtapat ko ang pag-ibig ko kay Shanta. Mahal ko siya... mahal na mahal at hindi ko na iniisip pa ang p'wedeng mangyari kung isang araw malaman nito ang totoo. Nakaramdam ako kanina ng sobrang selos habang nakatingin ako kina Shanta at Vlad