"Kumusta ang training mo bilang IT specialist sa Octa?" Nilingon ko ang nagsalita mula sa may terrace. Si Tita Cora ang nakatayo roon at nakangiti sa akin. "Tita? Kailan pa po kayo bumalik? Kumusta na po?" sunod-sunod kong tanong. Niyakap ko nang mahigpit ang aking Tita Cora. "Kani-kanina lang, hindi ko na ipinaalam pa sa iyo dahil alam ko na busy ka." "Sana po sinabi ninyo para naman natulungan ko kayo sa mga gamit ninyo." Kinuha ko ang maleta ni Tita Cora at ipinasok sa loob ng bahay. "Kaya pala dito ako dumiretso at hindi sa bakeshop dahil naramdaman ko na may naghihintay sa akin." "Hindi na ako aalis, Shanta." "Totoo, Tita Cora? Kumusta na ang paghahanap ninyo kay Tito Bernard?" Malungkot na umiling ito. "Hindi ko na siya hahanapin pa Shanta. Wala naman akong kasalanan sa kanya