Nakasunod lamang ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Shanta at ng mga kaibigan niya. Naiinis ako sa sinabi niya sa akin na huwag ko siyang pakialaman dahil wala akong karapatan. Tama naman siya roon. Sino nga ba ako para makialam sa kanya? Hindi naman niya ako boyfriend at mukhang hindi niya ako kailangan. Siguro nga kailangan ko na talagang ilayo ang sarili ko sa kanya. Si Vlad ang taong p'wedeng mahalin ni Shanta dahil kaya nitong ibigay ang lahat. Si Vlad ang nag-iisang anak ng boss ko at isang tagapagmana ng mga Alizares. Nandito ako ngayon sa may parking area at nakaupo sa loob ng van. Gusto kong umalis para huwag na sanang makita si Shanta pero hindi ko naman sila p'wedeng iwan dahil sa akin inihabilin ni Sir Alfredo ang anak nitong si Vlad. Bumuga ako nang malalim at saka muling