MAKALIPAS ang apat na buwan ay nanganak na ako ng isang malusog na baby boy. Pinangalan ko siyang Hope Nathaniel, dahil siya ang nagbigay pag-asa sa buhay ko. Normal ako na nanganak sa isang private na hospital dito sa Nueva Ecija. Isang linggo din akong nagpalakas dahil sa hospital dahil malaki si Hope nang ilabas ko siya. Mahapdi pa rin ang hiwa kong itinahi ng midwife na nagpaanak sa akin. Habang nasa hospital ako ay inalagaan ako ng mga tiyahin ko. Sila rin ngayon ang nag-aalaga kay Hope habang nagri-review naman ako sa exam. Hindi ko kinaya ang breastfeeding kay Hope dahil hindi ako magatas. Kaya napilitan na lang ako na magpa-bottle feeding na lang. Nandito ako ngayon sa university at magti-take ng exam. Kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko kahit na sobrang hirap pa akong kumi