NANG magising ako ay nakita ko si Tita Cora na nasa tabi ko at hawak ang kamay ko. Naamoy ko ang gamot sa buong paligid ng kuwarto kung saan ako naroon. Naalala ko na, nahimatay ako kanina at dinugo pagkatapos dinala dito sa hospital. Siguro si Tita Cora ang nagdala sa akin dito. "Tita... ang baby ko?" naluluha kong tanong dito. Ngumiti sa akin si Tita Cora. "Huwag kang mag-alala, Shanta. Maayos ang baby mo at mabuti na lang nakita ka ni Audrey kaya ka niya dinala rito kaagad sa hospital. Bakit ka nga pala nakipag-away kay Aling Simang?" Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Tita Cora. "Sorry, tita. Hindi ko lang kasi napigilan ang pang-iinsulto sa atin ni Aling Simang. Sumosobra na po siya sa paninira sa atin araw-araw. Hindi na po tama ang ginagawa niya kaya ko siya napatulan." "