Mia's POV Pakiramdam ko ay may importanteng bagay ang kailangan gawin dito ni Cedrick kaya may kung ano sa loob ko ang nagsasabing huwag na siyang gambalain. Nagdesisyon na lang akong bumalik sa building at gumawa ng paraan kung paano mareresolba ang mali kong nagawa, ngunit sa huli, wala pa rin akong naisip gawin sa kamalian ko. Kinabukasan, sa pagpasok ko sa opisina, agad kong narinig ang pagsasalita ni Sir Marvin sa loob. Agad kong binuksan ang pinto at nagsimulang lumakad, habang ang dalawang lalaki ay seryosong nakatayo at nag-uusap. "Cedrick, hindi ka raw pumunta sa meeting kahapon?" wika ni Marvin. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na iyon. Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako dapat nagkakamali lalo na sa mga importanteng details tulad nito. Napakagat na lan