Chapter 9

1386 Words
Mia's POV HANGGANG ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lang ang pagluha ni Cedrick nang siya ay nagising kahapon. Ano kayang panaginip niya? May kung ano sa loob ko ang nais malaman ang mga bagay-bagay, ngunit ano nga ba ang pakialam ko rito? Napabuntonghininga ako saka nagsimulang tumayo sa aking higaan. 'Tama na, Mia. Kailangan na nating simulan ang araw at mala-late ka na naman sa trabaho,' pangaral ko sa sarili. Agad na akong tumayo. Kinumusta ko si nanay at nang makumpirma kong maayos siya, lumabas na rin ako ng bahay at sumakay ng taxi. *** Sa pagdating ko sa opisina, naabutan ko roon si Cedrick. Kumunot ang aking noo dahil tila kinausap na naman niya si Sir Marvin na makipagpalit sa kanya. Kung minsan, hindi ko na rin talaga maintindihan kung sino ba sa kanila ang totoong boss ko. "Good morning, sir," pagbati ko sa kanya. Ngunit nakapagtataka na hindi man lang niya ako nilingon, abala lang siya sa pag-aayos ng papel na nasa kanyang harapan. 'Sipag, ha?' "Good morning," maiksi niyang tugon sa 'kin habang hawak ang mga papeles. Nagkibit-balikat na lang ako saka nagsimulang maglakad patungo sa aking area at sinimulan ang trabaho. Maya-maya lang, tumayo ako at kinuha ang mga papeles na kailangan kong i-present sa kanya. Nagtungo ako kay Cedrick at tumayo sa kanyang tabi. Napalingon naman siya sa akin. Sinimulan kong ipaliwanag ang mga bagay-bagay, tungkol sa mga taong nais siyang makausap at tungkol sa mga proposal ng iba't ibang kompanya. Hanggang sa maya-maya lang, napansin ko na tila hindi naman siya nakikinig at diretsong nakatingin lang sa 'kin. "Sir, may problema po ba?" tanong ko nang mapagtanto kong tila lumulutang ang kanyang isip. Ngumiti siya habang nakapalumbaba. "Wala naman," aniya habang nakapako ang ngiti sa labi. Nailang naman ako sa kanyang malagkit na tingin, dahilan upang ako ay matahimik at umiwas ng tingin sa kanyang mga mata. Sabay kaming napalingon ni Cedrick sa may pinto nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok. Maya-maya lang, isang babaeng may maiksing suot ang niluwa ng pintong ito. "Good morning, my Cedrick!" bati ng babaeng ngayon ay kadarating lang. Mapula ang kanyang labi at maiksi ang buhok. May katangkaran siya at hubog na hubog ang katawan sa suot niyang blouse at skirt. Kumunot naman ang noo ni Cedrick nang makita ang babaeng ito, saka siya tumayo at lumapit dito. 'Sino kaya siya? Girlfriend niya?' wika ko sa aking isip. "Monique, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Cedrick. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang mabilis na pagdampi ng labi ng babaeng iyon sa labi ni Cedrick. Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa dalawa na animoy ayokong masaksihan ang bagay na ito. "Binibisita ang ex-boyfriend ko," wika ni Monique. Matapos ang kumustahan ng dalawa, aksidenteng napatingin sa aking direksyon si Cedrick at tila muling naalala na nandoon nga pala ako sa loob ng opisina. "Oh, by the way, this is Mia my secretary," pakilala sa 'kin ni Cedrick. Ngumiti naman ako at bahagyang yumuko upang magbigay respeto sa kanyang kasama. "Nice to meet you, ma'am," bati ko. Kumunot ang aking noo nang titigan ako ng babaeng iyon. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo na animoy isa akong malaking threat sa kanya. "Hi," maiksing tugon ni Monique na hindi man lang sinabi ang kanyang pangalan. Muli niyang binaling ang atensyon kay Cedrick at pinulupot ang kanyang braso sa baywang nito. "By the way, Ced. May plano ka this weekend? Let's go, Baguio tayo as a friend?" pag-aya ni Monique na may malaking ngiti sa labi. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang nagtanong ang babaeng iyon, bigla na lang tumingin sa aking direksyon si Cedrick. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at sinimulang maglakad pabalik sa aking lamesa. "Sure. Why not?" tugon ni Cedrick na may nakangising labi. Sa pag-upo ko sa aking area at nang marinig ko ang bagay na iyon, hindi ko alam kung bakit may kakaibang kirot akong naramdaman sa loob ng aking dibdib. Animoy sumikip ito at hindi ko gusto ang aking nararamdaman. "Can I stay here for a while?" wika ni Monique, saka tila naglalambing pa kay Cedrick. Sinimulan kong mag-type sa aking keyboard. Hindi ko rin napapansin na napapalakas na pala ang bawat pagpindot ko sa mga letra. Narinig ko pa ang pigil na pagtawa ni Cedrick dahil sa wala sa sarili kong nagagawa. "No you can't," nangingising wika ni Cedrick. Hinawakan niya ang balikat ni Monique, saka ito pinaharap sa pinto. "Pwede ka nang umalis," wika ni Cedrick saka pwersahang tinulak palabas ng opisina ang babaeng iyon. "W-Wait! Cedrick!" sigaw ni Monique nang tuluyang isara ni Cedrick ang pinto. Tila nawala naman ang nararamdaman kong kirot sa aking dibdib nang gawin ni Cedrick ang bagay na iyon. Sandali akong tumigil sa pagtipa ng mga letra sa keyboard, saka tumingin sa direksyon ni Cedrick. "Bakit mo siya pinalabas?" tanong ko. "Nakikita ko na kasi ang selos sa mukha mo." Muling bumalik sa Cedrick sa kanyang pwesto, saka napapailing at animoy natatawa pa. "Ha? Selos mo mukha mo! Ambisyoso," inis kong wika saka muling bumalik sa ginagawa kong pagtitipa. Umiling-iling naman siya saka nagpipigil ng pagtawa. Hindi ko maintindihan kung may sira na ba siya sa ulo dahil natatawa na lang siyang mag-isa. "By the way, maaga akong aalis, may pupuntahan ako mamaya. May importanteng meeting ba ako na dapat i-attend?" sunod-sunod niyang tanong saka naging seryoso ang mukha. Mabilis kong tiningnan ang calendar para sa kanyang schedule at wala naman akong nakitang importante rito. "Wala naman po, Sir," tugon ko sa kanya. "That's good." Matapos ang salitang iyon ay muli na kaming bumalik sa mga bagay na aming ginagawa. *** Makalipas ang ilang oras, nagsimulang tumayo si Cedrick at inayos ang kanyang gamit sa lamesa, saka sinukbit ang bag sa balikat. Matapos iyon ay lumakad siya palapit sa aking kinaroroonan. "Mia, ikaw na muna ang bahala rito," pagpapaalam niya sa akin. Tiningnan ko ang oras at malapit na palang mag-alas tres. Tumaas ang aking ulo at diretsong tumingin sa kanya saka tumugon. "Okay, Sir." Nagmamadali namang umalis si Cedrick at wala rin akong ideya kung bakit. Hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta o baka kasama niya ang babaeng iyon. Tumaas ang aking kilay nang isipin ko ito. Mabilis kong iniling ang aking ulo upang mawala ang bagay na iniisip. 'Mia, focus!' bulyaw ko sa sarili Maya-maya lang, nang aksidente kong iurong ang notebook na nakapatong sa lamesa, isang sticky note ang nakadikit sa ilalim nito. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang nakasulat. 'Nilagay siguro ito ni Sir Marvin kahapon at hindi ko napansin.' Hanggang sa nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang nakasulat dito. Mayroon palang importanteng meeting si Sir Cedrick ng alas-tres ngayong araw. Mabilis na tumibok ang aking puso dahil sa kaba. Halos masabunot ko ang sarili dahil sa kapabayaan na aking nagawa. "Mia! Ano bang ginagawa mo?" bulyaw ko. Agad akong tumawag kay Sir Marvin ngunit hindi siya sumasagot. Tinawagan ko naman si Cedrick ngunit nakapatay ang kanyang cellphone. Sa pagkakataong ito, litong-lito ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin, kasabay pa ng kaba na nararamdaman ko sa aking puso. Mabilis akong lumabas ng opisina upang hanapin si Cedrick, baka sakaling hindi pa siya nakalalayo, ngunit bigo akong hanapin siya. Sinubukan kong tanungin ang receptionist kung saan siya nagpunta ngunit maging sila ay walang ideya. Noon ko lang napagtanto na ako ang secretary at ako dapat ang may alam ng kinaroroonan niya. Maya-maya lang, nakita kong lumabas ng gusali ang itim na kotse ni Cedrick. "Si Sir Cedrick!" tila nabuhayan kong sambit. Halos hingal-kabayo akong humabol sa kanya upang siya ay tawagin ngunit hindi niya ako narinig. Nagmadali akong sumakay sa taxi. "Kuya, sundan mo 'yong kotse," utos ko sa driver. Kagat ko ang aking labi habang aligagang nakatanaw sa kotse ni Cedrick. Muli't muli ko namang tinatawagan ang telepono ni Sir Marvin ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Hanggang sa maya-maya lang, huminto ang sasakyan ni Cedrick at kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Binuksan ko ang windshield ng kotse at tumingin sa paligid, saka ko napagtanto kung nasaan ako at kung anong ospital ang pinuntahan ni Cedrick. "Psychiatric hospital. Mental Institution?" pagbasa ko sa pangalan. "Tama ba ang naiisip ko? Ano namang ginagawa niya sa lugar na to?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD