Nagtataka ako kung bakit busy ang numero ni Farrah kaninang tinatawagan ko siya. Nasa bahay naman na daw siya nang tanungin ko si Beth kung nakauwi na ba ang asawa ko. Tinanong ko kung sino ang kausap niya dahil baka nasa tabi niya lang ang aking asawa. Ngunit sabi ni Beth ay hindi niya alam dahil umakyat si Farrah para magbihis. Aniya pa, hindi naman niya ito nakitang may kausap nang umakyat ito kaya hindi niya alam kung sino ang kausap ni Farrah Medyo nakadama ako ng inis sa dibdib ko na malaman na busy siya sa iba. Ayaw kong mag-isip ng masama pero kasi iilan lang ang naka-phonebook sa cellphone niya. Hindi naman pwedeng ang Nanay niya ang kausap niya dahil ayaw na ayaw niyang kausapin ito dahil inuungot palagi ni Nanay Ferlyn ang patawarin na ni Farrah ang Tatay niya. Alangan naman sin