Nakauwi ako na nagpupuyos ang aking loob. Hindi ko akalain na magiging ganoon ang mga salita ng lalaking iyon sa akin. Sumosobra na siya at nabastos na ako. Kung joke lang ito sa kanya at hindi naman siya seryoso sa kanyang sinabi. Well, hindi ito nakakatuwa dahil below the belt na ang mga salita na binitiwan niya sa akin. Magsusumbong ako kay Devin kahit maging dahilan pa ito ng away nilang dalawa. Hindi tama ang pambabastos na ginawa sa akin ng lalaking iyon. Hindi tamang ganoon niya ako kausapin lalo na at alam naman niyang asawa ako ng kanyang pinsan. Pagkatapos na maging kontrabida sa relasyon namin noon ang kanyang ina ay natuto na akong magsabi sa kanya ng mga nangyayari sa akin. Ni katiting ay hindi ako naglilihim sa kanya. Wala naman makakatulong sa akin kundi siya lang kaya han