Tiniklop ko ang diyaryo na nakatayo sa lamesang kinaroroonan ko at inilapag ito sa ibabaw ng lamesa nang makita kong umalis na si Farrah. Nagpasya na akong lapitan si Fidel habang ang mukha ko ay hindi maipinta sa labis na galit na aking nadarama. Nasaksihan ko mismo kung paano niya kulitin ang aking asawa. Good thing napag-isip-isip ko na magmasid at hulihin siya sa pangungulit niya sa asawa ko. Now that I already saw what he's doing with my wife, siguro naman may dahilan ako para manakit. Ayaw ko kasing sumusugod na wala akong nakikitang ebidensiya kaya naman ako na mismo ang kumilos para makita ang kabalbalan ng aking pinsan. Kahit saang anggulo ko tingnan ay gusto niya talagang agawin sa akin ang asawa ko. Patunay ang mga salitang narinig ko sa kanya kanina. "My love?" What the heck?