Excited na akong umuwi mamaya. Uuwi si Devin at hindi na ako makapaghintay na gumabi at hilain ko ang oras upang siya ay makita at makapiling ko na. Sa uri ng trabaho niya ay hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay. Sabi niya, masasanay din daw ako pagdating ng panahon. Katulad nina Jasmine, Angelisse at Alessandria, sanay na sila na palaging umaalis every month ang mga asawa nila para sa business trip sa ibang panig ng Pilipinas o kaya naman minsan ay sa ibang bansa pa. Kapag siguro inabot na ng ilang taon ay masasanay din ako. Business man ang asawa ko at hindi palagi talaga na nasa tabi ko siya kahit gusto ko. Bihira na iyong buwan na wala siyang business trip. 'Di bale, bumabawi naman siya sa weekends o kaya naman ay kapag nagdi-day-off siya para magkaroon kami ng family day. Kakain sa