"Huwaggggggggggg! Maawa ka, Senyora! Huwag ang anak ko!" iyak ko habang pilit kong tinatago ang tiyan ko sa pananadyak sa akin ni Senyora Venice. Nakatalikod ako sa kanya habang nakahawak ako sa may poste ng ilaw. Dito ako umaamot ng lakas dahil nanghihina na ako sa kanyang pananadyak. "Wala akong awa, Farrah! Dapat mamatay 'yang anak mo! Buburahin ko kayong dalawa sa buhay ng anak ko! Buburahin ko kayo rito sa mundo!" "Ahhhhhhhhhhhh!" Isang tadyak pa ang pinatikim sa akin ng matanda na sinalo naman ng aking likuran. Iniwas ko talaga ang aking tiyan dahil iniingatan ko ang aking anak. Subalit hindi ko kinaya ang lakas ng tadyak ng matanda. Nasaktan ako ng sobra lalo na at tumama ang takong niya sa aking kalamnan. Ang sakit, halos maghalo na ang uhog at luha sa aking mukha. Hindi ko al