"Hindi habangbuhay ay magiging mabait na lang ang asawa mo. Alam mo, mas nakakatakot kung bigla siyang magbago…" Paulit-ulit na nagpi-play ito sa aking utak. Hindi ko makalimutan ang linya na 'to Blue dahil hindi matatanggap ng puso ko kahit kailan na bigla na lang magbago sa akin si Farrah. Paano kung pati ang pagmamahal niya sa akin ay magbago? No…I don't want this to happen. Hindi ko matatanggap! I want her to stay the same. I want my Farrah to stay sweet and humble. Hindi iyong nagbago siya dahil sa aking kagagawan. Dahil nagkulang ako sa pagmamahal at pag-aaruga. Iyong nagbago siya dahil sawa na siyang maging mabait at laging inaapi ng aking ina. Niyakap ko ng mahigpit si Farrah at ibinaon ang mukha ko sa kanyang leeg. Hindi ko matatanggap kung magbago si Farrah sa akin dahil sa k