"Hush…stop crying, sweetheart…" patuloy na alo ko kay Farrah habang hindi maampat ang kanyang pag-iyak. Kanina nang dumating ako ay halos kapusin na siya ng hininga sa kakaiyak at hanggang ngayon ay hindi siya makalma. "Tama na, please. Isipin mo naman ang baby natin sa tiyan mo," niyakap ko siya ng mahigpit at isinubsob sa aking dibdib ang kanyang mukha. I want her to feel safe. Alam kong nagkaroon siya ng trauma dahil muntik na siyang ma-stampede ng mga toro na bigla na lang daw nakawala sa kulungan ng mga ito. Kung hindi pa kasama ni Farrah si Edmar na nagkataon din na nagpapakain ng ibang hayop doon ay hindi ko na alam ang mangyayari sa kanya. It's either patay ang dinadala niya o dalawa silang namatay ng anak namin. Dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari kapag naging wild ang mga p