"Magiging iyo rin si Devin, hija." Pagbibigay ko ng assurance kay Lucia na umiiyak na naman dahil hanggang ngayon ay hindi pa natutupad ang ipinangako ko sa kanya. Sabi ko gagawa ako ng paraan para paghiwalayin sina Devin at Farrah ngunit wala akong maisip na rason para maghiwalay sila. "Kailan pa po 'yon, Mommy Venice? Kasal na sila ng anak ng katulong ninyo at magkakaanak pa sila. Dapat po ba akong umasa na kami pa rin ang magkakatuluyan sa huli? Dapat hindi po kayo nangako sa akin, na sa tingin ninyo ay hindi niyo kayang tuparin. Asang-asa pa naman ako na kami ang ikakasal. Pero bakit sa iba siya ikinasal?" tangis ni Lucia na hindi ko alam kung paano ko siya aaluin. Sa twina ay ito ang inuungot niya sa akin at hindi ko naman alam kung paano ko siya pakakalmahin. Napahawak ako sa aking