"D-di nga?" pautal na tanong ni Farrah habang hawak pa rin ang box na naglalaman ng mga sulat na bigay ko sa kanya. "Yes, sweetheart. Sa endearment na nga lang na gamit ko at initials hindi ka pa ba nagtataka?" Tinupi ko ang sulat na hawak ko at inilagay ito sa box. I never thought that she still had these love letters. Ang alam ko tinapon na niya ang mga ito at sinunog. But look what she got in here, lahat ng binigay ko ay itinago niya including the wrapper of chocolates and ribbons. Nakakatuwa naman, ang sarap niya regaluhan kapag ganito. Mukhang mahilig mag-keep si Farrah ng mga bagay na may sentimental value sa kanya. Pinapahalagahan niya ito na parang ginto at natutuwa akong isipin na itinago niya ang mga bigay ko kahit wala siyang kaalam-alam na galing ito sa akin. "Masyado kang