Sinamahan ko nga si Farrah mag-enroll pagdating ng Miyerkules. I was curious about this boy who's still courting her kahit ilang beses nang sinabi ni Farrah na may asawa na siya. Tingnan ko nga kung gaano kalakas ang apog niya mamaya kapag nagkita kami. Ipapakita ko sa mokong na nanliligaw sa kanya na may asawa na si Farrah at hindi na dapat lapitan. Tingnan ko lang kung makaporma pa sa kanya ang lalaki kapag nakita niya kung gaano ka-Adonis ang asawa ng kanya ginugulo. Yes, ginugulo ang right term dahil ilang beses na niya itong sinabihan na huwag siyang ligawan pero ang sisti ayaw maniwala hanggang walang nakikitang proof. Everybody is looking at us as we make our way to the registrar. Siyempre pormal lang ang reaksyon ng mukha ko habang tuwid na naglalakad. Tapos ang isa kong braso ay