"Insan," wika ni Fidel nang makalapit sa amin ni Farrah. He's looking at my wife pero nakataas ang palad niya sa akin para makipag-high five. Ano 'yon? Siraulo lang? Nainis ako, sinadya kong lakasan ang pagtapik sa kanyang palad. "Ouch! May galit ka ba sa akin?" reklamo ni Fidel nang medyo mapalakas ang tapik ko sa kanyang kamay. Kala niya, huh? Pasensya naman nanggigil ako eh. Narito ako sa tabi ng asawa ko pero makatingin siya kay Farrah ay parang gusto na niya itong sunggaban. "Sinong 'di magagalit kung ganyan kalagkit ang tingin mo sa asawa ko. Ano? Ako pa ang mag-a-adjust para sa iyo?" Napakamot sa batok si Fidel habang namumula ang mukha na nag-iwas ng tingin sa asawa ko. Umayos siya ng tayo at pagkatapos ay pekeng umubo para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "Sorry, insan