"Miss Farrah!" Nilingon ko ang tumawag sa akin bago pa man ako makapasok sa sasakyan ni Fidel. Nakita ko ang dalawa kong bodyguard na humahakbang palapit sa akin habang madilim ang hilatsa ng kanilang mga mukha. Nakakatakot ang itsura nila pero mas lalong nakakatakot ngayon dahil tila handa silang makipagbasagan ng mukha kahit kanino. "Oh, narito na pala kayo? Saan ba kayo galing?" Binitiwan ko ang pinto ng sasakyan at hinintay silang makalapit. Kanina ko pa sila tinitingnan sa paligid ngunit hindi ko sila mahanap. Akala ko nga umalis sila dahil maging ang sasakyan na susundo sa akin ay wala pa. Tumigil naman sila sa gilid ko at kaagad na sinilip ang tao sa loob ng sasakyan na kinatatayuan ko. "Nasa paligid lang po kami at sumusunod sa 'yo, Ma'am." sagot ng isa na kaagad na lumapit s