"Devin…" "Yes, sweetheart?" Tumigil ako sa paghakbang at nilingon ko ang aking asawa na hawak ko sa kamay ko na tumigil din sa paglalakad. Kakatapos lang namin magpatunaw ng aming kinain. At heto dumiretso na agad kami paakyat sa ikalawang palapag para pumunta na sa aming kwarto para maghanda na sa pamamahinga. Iniwan na namin ang mga kasambahay namin sa baba na kumakain pa at nag-iinuman. Ayaw pa sana niyang umakyat ngunit sinabihan ko siya na umakyat na kami dahil gusto ko ng humilata sa kama, pero ang totoo talaga ay gusto ko lang siyang makasiping sa kama. Hahaha! Natawa ako sa aking naisip. Ang akala ni Farrah magpapahinga na kami ngunit ang hindi niya alam ay totorjakin ko siya hanggang sa hindi na siya makalakad. Sana lang talaga hindi totoong may regla siya. "H-hindi ka naman