"Hindi! Ayoko Dennis! Ikaw lang ang uuwi!" matigas na sabi ni Mommy sa gustong mangyari ni Daddy. Matigas talaga ang loob niya kahit kailan at pinipilit ang gusto niya. Akala ko pa naman kaagad siyang mapapasunod ni Daddy. Iyon pala ay mas ipagpipilitan niya ang kanyang gusto. Gusto niya talaga kaming pahirapan ni Farrah! Hindi na lang siya maging masaya para sa aming relasyon! Hindi iyong ipipilit niya ang magpapasaya sa sarili niya. Makasarili talaga siya kahit kailan at ewan ko kung paano siya natiis ni Daddy. Kasi ako, naiinis na ako sa pinaggagawa ni Mommy. Hindi niya ako pinakialaman sa ibang gusto ko pero rito talaga sa pag-aasawa ko siya gumawa ng effort para paghiwalayin kami ng asawa ko. "Venice! Huwag mo ng ipilit ang gusto mo! Isipin mo naman si Devin this time! Gusto mo bang