Tinitingnan ko sa kamay ko ang engagement ring na nakasuot sa daliri ko. Ang laki ng bato nito at mukhang mas mahal pa sa isang ektaryang lupa ang halaga nito. Diamond ring daw ito sabi ni Nanay nang tingnan niya ito nang makapagsolo kami rito sa veranda. Tama ako dahil ito rin ang nasa isip ko kanina. Sabi niya ay hindi lang sampung milyon ang halaga nito, dahil sa laki ng bato nito at kapal ng ginto ay sigurado na sa ibang bansa pa ito binili ni Devin para lang maibigay sa akin. Akala ko nga ay simpleng surpresa lang ang gugulat sa akin. Hindi ko naman alam na isang singsing ang gugulat sa akin at magpapaiyak sa akin ng sobra dahil hindi naman ito ang expected ko na regalong matatanggap ko sa kanya. Akala ko may pabulaklak lang si Devin at signature na damit at sapatos. Ngunit higit pa