Abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho rito sa hacienda. Lalo na sa kusina kung saan ay nagluluto sila ng handa para sa kaarawan ko. Birthday ko ngayon at tinupad ni Devin ang inuungot ko na simpleng handa lang ang ihanda ngayon. Kumpleto kami ngayon dahil narito na ang Daddy at Mommy niya na hindi ko akalain na uuwi para sa aking kaarawan at magbabakasyon dito ulit ng ilang buwan. Tapos si Nanay na hindi ko inaasahan na isasama si Tatay kahit alam niyang hindi kami in-good terms ng matanda. Masama man ang loob ko sa aking ama ay sinubukan kong maging sibil sa kanya. Pinakita ko na maayos ang pakikitungo ko sa kanya kahit gusto ko siyang sumbatan sa mga kasalanan niya sa aming mag-ina. Nagpigil na lang ako para hindi masaktan si Nanay. It's my birthday too, ayaw kong masira ang araw ko