Nakaraos ulit kami sa round two nang magising kami ni Farrah ng mga bandang alas-diyes ng umaga. Bale late na ang breakfast namin dahil nauna na ang kainan namin sa kama bago ang kainan sa hapag-kainan nang bumaba kami para mag-almusal. Kaya naman hindi lang busog ang aming tiyan kundi busog din ang aming mga katawan sa pagtatalik na aming pinagsaluhan. "Devin…" "Yes, sweetheart?" tanong ko kay Farrah habang umiinom ako sa tasa ko ng kape. Dessert na lang ang kinakain namin at naisipan naman na rito na kami sa veranda habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano. "Malapit na ang birthday ko, ano ang plano mo?" Nagulat ako na ito ang bubuksan niyang topic. Siyempre bago pa siya magtanong ay marami na akong sikretong plano. Ngunit hindi ko ito sasabihin sa kanya dahil surpresa ko ito sa kanya n