Napansin ko na walang gana sa pagkain si Devin. Kanina pa niya hawak ang kanyang mga kubyertos ngunit hindi man lang niya ginagamit para kumain. Tulala lang siya habang nakatingin siya sa kawalan at panay ang buntong-hininga. Kanina ko pa hinainan ng kanin at adobo ang kanyang plato subalit kalahati pa lang ang nauubos niya rito at mukhang wala ng plano na ubusin. Kalungkutan ang nababakas ko sa kanyang mga mata at hindi ko mapigilan na hindi malungkot din para sa kanya. Ang hirap makita na siya naman ang malungkot. Hindi ako sanay dahil sa tuwina ay masayahin si Devin. Alam ko nahihirapan siya ng sobra sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Alam kong kahit gaano pa kasama ay Mommy niya ay mahal na mahal pa rin niya ito at mahalaga ito sa buhay niya. "Devin…" mahinang pagtawag ko sa kanya pa