DRAVEN Kasama ang mga tauhan ay halos naikot na naming lahat ang bawat sulok ng buong San Juan. Dito ang land mark ng huling nakita kong active ang tracker ni Agatha. Akala ko ay nahanap ko na siya, pero wala ang asawa ko sa loob ng building kung saan direct na binigay na location ng signal ng tracker na nakakabit sa balikat niya. Halos mag-apoy sa galit ang paningin ko ng wala kaming abutan sa loob ng condominium na siyang pinag-dalhan kay Agatha. Sigurado akong galing siya doon dahil nakita ko sa kama ang naiwan na kapares ng hikaw na binili ko sa kanya. "Have you found anything, Brady?" mainit ang ulo na tanong ko sa right hand ko. Tinawagan ko ito para tingnan ang pasikot ng bawat kalsadang connected sa building kung saan huling marked ng tracker na nasa katawan ni Agatha. "Nothi