AGATHA "Sana tama at totoo ang sinasabi mo ngayon. Baka naman mamaya, eh, magbago iyan?" naniniguro na tanong ko kay Draven. "Yes, are you doubting my words, hon?" kunot ang noo na tanong rin ng asawa ko sa akin. "Naniniguro lang ako. Alam ko kung anong ginawa mo kay Theresa noong may nangulit na mga tauhan mo sa amin sa pool. Baka nakakalimutan mo kung paano mo siya pinalatigo kaya nasugatan siya," nakasimangot na sabi ko. "Kapag nalaman kong sinaktan mo rin si Elvie, kahit hindi ko pa nakikita ang kapatid ko, mananagot ka sa akin, lalo na kung si Drew naman pala ang may kasalanan." Agad nagtaas ng dalawang mga kamay si Draven na tila sumusuko at inawat ako. "Hey, don't simply jump to conclusions. Pareho nating hindi alam kung anong nangyari. Silang dalawa lang ang may alam, kaya w